Saturday, 25 September 2010

Ang dahilan kung bakit nilalang ng Dios ang tao.

Genesis 1
(1)
 - Nang pasimula nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. (2) - at ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.

Isaias 45
18 
- Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon na lumikhà ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikhà sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon at wala ng iba.

1Hari 8
27 
- ngunit katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito sa langit at sa langit ng mag langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itatayo!

Hebreo 3
- sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwat ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.

Efeso 2
22 
- Na sa kaniya'y itinayo naman kayo kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.

Hebreo 11
10 
- Sapagkat inaasahan niya ang bayang may mag kinasasaligan, na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios.

Kawikaan 8
31
 - na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mag anak ng mag tao.

Genesis 3
23
 - Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.

Oseas 10
12 
- Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagkat panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ang katuwiran sa inyo.

1Corinto 3
9
 - sapagkat tayo ay mag kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, ang gusali ng Dios.

Hebreo 3
6
 - Datapuwa't si Cristo gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pag-asa natin hanggang sa katapusan.

Ang mga talatang ito na sinipi sa Banal na Kasulatan ay tunay na nagpapaunawa kung ano ang dahilan, Bakit ngà nilalang ng Dios ang Tao, At sa lalong ika-uunawa ng katalagahan ay ipinapayong basahin at pagbulayang mainam sa Ang Biblia ang talinghagang isinasalaysay tungkol sa Kikayaon na nakasaad sa Aklat ni Jonas Kapitolo 4 Bersikulo 6 hanggang 11(Ang leksiyon ng isang kikayon).



No comments:

Post a Comment