Gaya nang mga talatang nagpapatototo na mababasa natin sa Biblia, ay isang katotohanan na may Pangalan ang Kataastasan (ang tinatawag na Diyos). Ang mga katawagang Bathala, Yahweh, Jehovah, Panginoon, Poon, Adonai, Sabaoth, Shaddai,Elohim / Ulhim, Yahuah at maging ang ating kinagisnan na salitang DIOS; Pati na ang marami pang mga katagà patungkol sa Kaniya ay mga salita lamang na pangngalan na nagpapahayag bilang pagkilala sa kanyang pagiging May Kapangyarihan at pagtukoy na Siya lamang ang Iisang Ulòng-Maykapal o Manlilikhà na Siya ang Bukal o Pinagmulan ng lahat ng mga bagay nakikita man ito o hindi. Ang marami sa mga Titolo o Pangngalang ito na masasabi nating mga hayag (Deuteronomio 29:29), Ay malinaw na ibinase ng mga Pantas / Scholar sa Tetragramang YHWH / IHVH na sinulat ng Propetang si Moises. Ngunit ano nga bagà ang Pangalan ng Dios? Sapagka't gaya ng nasabi na, na hindi rin ang Salitang ito ang kaniyang pangalan. Kung ating susuriing mainam ang Banal na Kasulatan ay isinasaad nito na si Moises na Propeta, ay nakipag-usap ng mukhaan sa Panginoon. Na mapagmumuning ito'y pagpapatunay na siya(si Moises) lamang ang tanging naka-aalam ng Personal at Tunay na Pangalan ng Dakilang Lumikhà alalaon baga'y siyang nakakilala. Kung tutunghayan natin ang mga Orihinal na Kasulatan ay mapapansing lumitaw ng pitong libong ulit ang apat na Banal na Letrang ito, Ang YHWH / IHVH. Ngunit ang katanungan ay bakit sa ganitong paraan isinulat ng Propeta ang Banal na Pangalan ng Kataastaasan? Nakatitiyak na ang mga panitik na ito ay isa niyang paraan upang huwag malapastangan ang Banal na Salita o Ang Pangalan ng Mahal nating AMA na ipinahayag sa kaniya. Wala ring pasubali na hindi ang mga Titik na ito o ang mga Pangngalang yaon ang Kaniyang PANGALAN. Sapagka't kung ang mga yaon nga, disin sana'y hindi natin mababanggit ang mga ito. (Deuteronomio 5:11) Subalit sa ating kapanahunang ito na dumating na ang biyaya at kaligtasan (Juan 3:16 ; Roma 10:13), ay isang hamon sa atin na alamin at hanapin ang Kaniyang Pangalan (Kawikaan 30:4). At na ito'y upang siyang ating paglagakan ng tiwala at tunay na pagsamba (Juan 4:24 ; Awit 9:10). Maaring matuklasan o malaman ang Banal Niyang Pangalan, Upang mapawi na ang mga kalituhang hatid ng mga letrang Iod He Vav He. Ngunit papaano? Dangang sino nga sa ngayon ang tunay na naka-aalam nito? Kung buong pusong sasampalatayanan ang mga talata sa Banal na Kasulatan at mataimtim na bibigyang pansin ang mga tunog na naririnig sa Kalikasan. Ito ang matibay at mabisang paraan upang makilala natin ng lubusan ang Dios at ang Kaniyang Pangalan. At katotohahanang kung bukal sa iyong damdamin ang tunay na paghahanap, alalaon baga'y hinahanap mo ng iyong buong puso at kaluluwa; Siya nga rin ay magpapakahayag sa iyo. Sa dahilang Ikaw ay Sumasampalataya sa kaniyang mga Salita at naniniwala sa Kalikasang Siya rin ang may likhà. Ngunit Ikaw lamang sa ganang iyong sarili at ang Banal na Nag-Iisa ang tunay naka-aalam kung ano ang talagang nilalaman ng iyong puso. (Hebreo 4:12 Roma 14:22).
Qual è Il Nome di Dio?
ReplyDeleteIn verità l’Onnipotente ha un Nome suo. Per esempio come una persona : Fabrizio, Felice, Daniele, Giuseppe ecc… I titoli come DIO, YAHWEH, GEOVA, ADONAI, SABBAOTH, ELOHIM / ULOHIM, YAHUAH, SIGNORE e tanti altri sono solo titoli per conoscere che Lui è l’Unico Creatore e la Fonte della Vita. Questi titoli sono chiaramente la base dalla YHWH / IHVH che il Profeta Mosè ha già scritto. Ma qual è il vero nome di Dio? Il Mosè, secondo la Scrittura, ha parlato personalmente con il Signore. Quindi solo lui conosce bene il nome del Grande Creatore. Se noi guardiamo bene la Scrittura Originale queste quattro lettere YHWH sono scritte sette mila volte. Come mai il Profeta viene scritto solo così? Sicuramente questo è un modo per evitare di pronunciare invano il santo nome di Dio (Deuteronomio 5:11). E veramente le lettere IHVH non sono IL SUO NOME. In questo momento, che la salvezza è già arrivata (Giovanni 3:16 ; Romani 10:13), per noi è una sfida cercare di conoscere il Suo Nome. Per dare speranza e fiducia (Giovanni 4:26 ; Salmi 9:10). Possiamo scoprire il nome di Uluhim (DIO) e lasciar perdere le ombre delle lettere IOD HE VAV HE. COME ? Se crediamo con tutto il cuore ai paragrafi delle Scritture e pensiamo profondamente ai suoni che abbiamo sentito nella natura. Per esempio : l’Acqua, il Vento, il Tuono e il Fulmine, gli Animali ecc…Vi consigliamo di pensare bene ai versi della prossima pagina. Questi provengono dalla Scrittura senza nessun’interpretazione personale (2Pietro 1:20). Se tu stai cercando il Suo nome con tutto il cuore, LUI stesso ti potrà riconoscere proprio perché hai fiducia nella Sua Parola e nella natura che LUI ha creato. Solo tu, che stai cercando, e il Signore sapete cosa c’è nel tuo cuore (Ebrei 4:12).
..puso ng tao-- nasa pagkataong loob ang Pang ulong Pangalan ng Ni ABBA YAHUAH--
ReplyDeletemapalad ang mabibigyan ng kaunawaan sapagkat ito ay tanda at tatak ng kaligtasan