*ANO ANG PANGALAN NG DIOS?
Ang tanong na ito ay napapanahon, hindi lamang sa ngayon kundi pati nang nakaraang henerasyon, at maging sa hinararap din naman.
Bakit?
Dahil sa katoohanan ay dapat alam nga natin ang kaniyang pangalan, pangalang hindi inimbento o hinaka ng mga lider-relihiyon na ang lahat ng interpretasyon ay yaon lamang pumapabor sa kani-kanilang doctrina at lupong itinatag o kinabibilangan, kundi nararapat na nagmula mismo sa kaniya (sa DIOS sapagkat siya ang may ari ng pangalang pinag-uusapan), sa tulong ng pagpapahayag sa pamamagitan ng kalikasan, kalikasan dahil sa mga salitang katutubo o hindi inakda ng mga marurunong sa mga nakaraang lipunan ang salitang yaon.
Balikan natin ang tanong, Ano ang pangalan ng Panginoon na tinatawag nating DIOS?
Kung bubulayin ang ipinahahayag ng BIBLIA (aklat na pinagka-katiwalaan ng halos 60% ng tao sa mundo at pinaniwalaan ng halos 90% naman) ay tiyak ang mga sagot nito at paliwanag hinggil sa kung ano ang pangalan at na ang mga ito'y sinusuhayan ng kalikasan.
Isa-isahin natin ang isinasaad ng aklat na ito na wari'y lihim sa mga hindi nakakaunawa, bagaman at hayag na nababasa nila sa mga salin ng wikang kanilang nauunawaan.
Sinasabi sa ilang talata: "at mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas!"
(Roma 10:13) Dito'y malinaw na sinasabi kapag tumawag sa pangalan (hindi titulo o pantukoy na panawag, at ang kaligtasan ay generalize, anumang pangyayari na ikasasakit mo: damdamin, pisikal, materyal, kaluluwa o espiritual) ito'y kapahamakan para sa iyo at marapat na makaligtas ka sa kapahamakang ito, at maliligtas ka ayon sa talata kapag tumawag ka sa pangalan (sa pangalan ng Panginoon).
Ngunit paano ka naman tatawag kung hindi mo nalalaman ang isang tatawagan?
Katulad ng paano makararating ang iyong liham kung mali ang address na padadalhan o pangalan ng taong tatanggap ng sulat na yaon? O gaya sa modernong kalagayan na kapag mali ang kahit isang man lamang character sa url ay hindi mo mabubuksan ang page na kailangan mong makita?
Alamin natin, sa tulong muna ng Kasulatan!
Sabi sa kasulatan (Awit 113:1) *Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon (DIOS).
Ngunit ang tanong: paano ang pagpuri?
Ganito ang sabi pa rin sa aklat (Awit 48:10) *kung ano ang iyong pangalan Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo!
Samakatuwid kung ano ang pangalan ganoon ang pagpupuri, parang chanting, halimbawa kapag nagtalumpati ang presidente, sa pagpupuri pangalan lamang niya ang sinasambit: DUTERTE... DUTERTE... DUTERTE... o kaya Cory... Cory... Cory... o Erap... Erap... Erap... o BBM... BBM... BBM o kung anuman ang pangalan ng kinauukulan at pinatutungkulan. (napaka-simple pala, at tumutugma sa sabi na mababasa sa Biblia: "ang karunungan ng tao ay kamang-mangan sa Dios")
Pero ang tanong na muli: (Kawikaan 30:4) "ano ang pangalan", alam na natin ang paraan ng pagpupuri, at na gaya ng nabanggit sa itaas, na ito ay napaka simple, lalo na ang pagtawag; na pangalan lamang niya ang sasambitlain at wala ng ibang salita pang palamuti dito!
Magpatuloy tayo... Sabi ng kasulatan: (Awit 149:6) "malagay nawa sa kanilang mga labi ang pinaka-mataas na pagpuri sa iyo".
Ang sabi: "pinakamataas" at tama naman na dapat pinaka mataas dahil siya ang DIOS, ang sukdulan ng lahat o dili kaya'y masasabi nating kumpletong pag-pupuri, ang pinakamatas kung sukat ang pagbabasehan, at malinaw na kapag sinambitla mo ang kaniyang pangalan yaon na ang pinaka mataas na pagpupuri dahil iyon ay ang kaniyang pangalan at na wala kang ibang tinutukoy o matutukoy na higit pang tataas sa kaniya.
Magsuri pa tayo:
Ano naman ang sinasabi ng kasulatan, ano ang pinaka mataas na pagpupuri, paano natin ito malalaman?
Ganito ang sabi mismo ni a.k.a. JESUS na nakasulat sa aklat na tinatawag nating BIBLIA: *Mateo 21:16 - mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo, iyong nilubos ang pagpupuri.
(sa bibig ng mga sanggol ang sabi, mula roon.)
Ngayon kung mula sa bibig ng mga sanggol ang lubos o pinakamataas na pagpupuri, ano baga ang lumalabas sa bibig ng mga sanggol, ano ang kagya't nating naririnig sa "unang hibla ng kaniyang hininga" sa sandaling dumatal siya sa sanglibutan, hindi bagâ UHA?
Kung gayon hindi mapag-aalinlanganan na nagbibigay siya ng pinakamataas na pagpupuri sa pangalan ng DIOS na PANGINOON [dahil sa pasasalamat sa buhay niyang tinanggap] na ang lumalabas sa kaniyang mga labi ay "UHA", ganoon nga bagâ?
Malinaw na kung paka-uunawain, ang pagpupuri ay ganito at kung magpupuri ka, maliwanag na ito lamang ang iyong sasambitlain gaya ng mga sanggol na bagong panganak ayon sa Kasulatan: UHA... UHA... UHA...
Tugma o kasuwato rin ng sinasabi ng Kasulatan sa Awit 89:8 "sinong makapangyarihan gaya mo, OH JAH?"
[Kaya pala nasusulat sa Mateo 8:28] Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao [sanggol], saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama.
Maliwanag na ang kalikasang tawag sa anak ng aso ay tuta, ang anak ng pusa ay kuting, ang anak ng manok, ang anak ng ibon ay inakay, at ang Anak ng Tao ay Sanggol.
Kapag ipinanganak ang sanggol balot siya ng dugo at itinataas ito ng patiwarik [Ezekiel 21:27, 16:6] at iiyak ito bilang pagpapahayag na may bagong buhay na dumating sa Sanglibutan.
Ang Anak ng Tao rin naman ay pinatototohan ng Kasulatan na sinasabi: Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu (tinig na isinisigaw), ang tubig (panubigin), at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa. [1Juan 5:8]
ITO ANG KATOTOHANAN na hindi ko batid kung tatanggapin ng mga paham o pantas at matatalino kahima't ito'y ayon sa Kasulatan gaya ng nabanggit na sa Awit 89:8 na sinusuhayan ng Kalikasan (sapagkat likas ang salitang yaon at hindi itinuro ninoman, ang tinatawag na katutubong wika).
Mayroon nga bagang pag-aalinlangan pa na ang pagpupuri o pinakalubos o pinaka-sakdal o pinakamataas na pagpupuri sa "Pangalan ng DIOS ay OH JAH [UHA]"?
Kung iyong sasampalatayan, ito ang kaligtasan sa sandaling iyong tawagan, gaya ng nasusulat: walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay [o imbento o haka] sa mga tao na sukat ikaligtas. [Gawa 4:12]
Ngunit kung ang aral na ito ay iyong tatanggapin, ay may mahigpit na hindi lamang pa-alala at tagubilin kundi utos ang kasulatan; [2Timoteo 2:19] "at lumayo sa kalikuan ang bawat isa na sumasambitla sa pangalan ng Panginoon!"
At malinaw din ang bilin na dapat na sundin ng walang pasubali: [Exodo 20:7 at Deuteronomio 5:11] "huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios", dahil hindi aariin o hindi pwedeng walang kasalanan kapag binanggit ito.
Samakatuwid na hindi ito dapat lumabas sa ating mga labi, at ang tamang pagtawag ay nararapat na sa pamamagitan isip, gaya ng sabi pa rin ng kasulatan: [1Corinto 14:15] "mananalangin ako sa espiritu at mananalangin ako sa pag-iisip, aawit ako sa espiritu at aawit ako sa pag-iisip", sapagka't nga, "ang DIOS ay Espiritu, kung kaya marapat na tayo ay sumamba sa Kaniya, sa espiritu at sa katotohanan"!
Makinig Ang May Pakinig [gaya ng sinasabi ng Kasulatan]😇
*Magsisi, magbalikloob, talikuran ang mga kasalanan, [Ibigay ang buong banal na takot sa Pangalan, Ibigin ng higit sa lahat ang Buhay, Kilalanin at igalang ang Anak ng Tao] bago mahuli ang lahat, ang panaho'y malapit na!☄️
אוחא האה אהא
No comments:
Post a Comment